Luke 11:24-26

Ang Pagbabalik ng Masamang Espiritu

(Mat. 12:43-45)

24“Kapag lumabas ang masamang espiritu sa tao, gumagala ito sa mga tuyong lugar para maghanap ng mapagpapahingahan. At kung wala siyang matagpuan ay iisipin na lang niyang bumalik sa kanyang pinanggalingan. 25Kung sa pagbabalik niya ay makita niyang malinis at maayos ang lahat, 26aalis siya at tatawag ng pito pang espiritu na mas masama kaysa sa kanya. Papasok sila sa taong iyon at doon maninirahan. Kaya lalo pang sasama ang kalagayan ng taong iyon kaysa sa dati.”

Copyright information for TglASD